Site Updates:
You can access this site using your mobile phone!
02-01-11

Thursday, July 28, 2011

Pagkakaibigan

Lahat tayo gusto ng isang kaibigan. Kaibigang dadamay sa atin sa oras na down tayo. Kaibigang laging andiyan para pagsabihan mo ng mga problema at hinanakit. Kaibigan na andiyan sa kasiyahan at maging sa kalungkutan. 

Kung tutuusin, madali lang makipagkaibigan. Kahit na sa una'y di mo kakilala, maya-maya mag-uusap na kayo tapos magiging close. Marami sa kanila ay tunay at tapat ang pakikipagkaibigan ngunit marami rin ang may tinatagong motibo. Maaaring kaibigan mo ngayon ngunit kaaway mo na kinabukasan. Maaari rin namang kaibigan mo ngayon tapos bukas magshota na pala kayo. 

Marami na akong mga naging karanasan kung tungkol sa pagkakaibigan ang pinag-uusapan. Madali lang akong magtiwala at tinuturin ko ang lahat na aking kaibigan basta ba'y mabait o nagbabaitbaitan. Ngunit iilan lang sa mga nakilala ko ang tunay at hindi plastic. Ngunit, ayoko nang balikan pa ang mga karanasan sa mga plastic na kaibigan, doon tayo magfocus sa mga tunay.

Pinakamasayang part ng pagiging estudyante ko ay nung tumuntong ako ng college. Noong una, naiilang ako sa mga kaklase ko kasi nga naman mga mayayaman at talagang may sinasabi sa buhay. Isa pa na nagpalala ay ang sabi-sabing eskwelahan ng mayayaman ang aking pinasukan. Ngunit sa paglipas ng mga araw, ang mga inakala kong sosyalero't sosyalera ay hindi pala, very down to earth ika nga. Malambing, masarap kausap, kalog, hindi maarte at iba pa na magagandang katangian. Sa wakas nasambit ko sa aking sarili na nakahanap na rin ako ng mga tunay na kaibigan. Naging exciting ang college life ko dahil na rin sa kanila. Maraming pagsubok ang dinaanan at lahat nama'y nalampasan dahil na rin sa pagtutulungan. Halimbawa nalang para makapasa tulungan sa paggawa ng assignments, projects minsan pa nga quizzes (hehe). Naging matatag ang samahan hanggang sa dumating yung time na nagkaissue dahil sa isang forum. Ayon lahat ng involved apektado, maging ako man na walang kamuwang muwang sa nilalaman ng isang topic. May nasuspendi, may nagcommunity service na hanggang ngayon ay di pa naipapasa ang output (hehe). Isa pa palang issue ay yung max carinderia. Napasugod kami sa max's restaurant tapos malalaman namin na carinderia lang pala nagpakain yung isa naming kasama. Well, dun nagsimula yung forum issue. 

Lumipas ang mga panahon, naghilom ang sugat na dinulot ng max at forum issue. Okey na ulit ang samahan. May mga nagbago ng todo at naging maamong tupa at may mga naging masahol pa sa kambing. Magkaganon man ay nanatiling solido ang samahan. 

Maging sa kalokohan ay solido ang grupo. May mga muntik di grumaduate dahil na rin sa iba't ibang kontrobersiyang kinasangkutan lalong lalo na sa isang blog post. Pero yung mga yun ay pinahintulutang mangyari para masubok ang tatag ng aming samahan. Walang nagpatinag, lahat lumaban para sa aming karapatan. Nagtagumpay ang grupo dahil na rin sa pagtutulungan at nang dahil na rin sa pagsasakripisyo para sa pagkakaibigan ay naiangat namin ang isa't-isa. Nakakamiss man ang naging aming samahan ay nananatili pa rin sa aming mga isipan na kami'y buo at magkakasama. Iyan na marahil ang maibabahagi ko tungkol sa mga kaibigan ko. Marami pa kaso nakakatamad naman kung isusulat ko pa lahat. Hanggang sa muli!

No comments:

Post a Comment