Maramil maraming nakakaalala sa title na ito. Marahil yung mga nakakaalam mapapangiti nalang at sasabihing, muntikan na. Kung naalala niyo pa (sa mga nakakakilala sakin) kung ano talaga ang nangyari ng dahil sa title na ito, well ito lang naman ang nakapagpakaba sa akin ng husto hahaha at nagpatibay sa samahan ng mga nainvolve (realible source?). Sa ngayon, mabait na ako hindi na ganon ang content ng post kung ito. Gusto ko sanang talakayin ngayon yung about sa paninigarilyo kaso nawalan ako ng gana kaya naisip ko why not itackle ko nalang yung mga sawsaw.
Kung napapansin niyo, tayong mga Pinoy ay mahilig talagang makisawsaw. Lahat nalang kahit hindi ka involve ay kunwari involve ka para makasagap lamang ng balita at kunwari concern. Isang halimbawa ng pakikisawsaw ay kapag may usapan ang isang grupo at bigla ka nalang sumingit. Kahit hindi alam ang topic eh parang sigurado sa mga sinasabi (Isa ka ba doon?). Hanggang sa siya na ang bida at wala ng makasingit. Isa rin sa mga halimbawa nito ay ang pagkahilig na sumali sa away ng may away. Minsan pati away bata eh nakikisali na rin ang mga matatanda. Tama ba yun? Mali man, natatawa pa rin ako lalo na kung walang patatalo. Lagi ko tuloy naaalala ang lugar namin halos araw-araw may away. Pano ba naman kasi, nag-away lang yung dalawang bata pati yung mga magulang, lolo, lola, ate, kuya at kung sinu-sino pa ang nakikisali.
Kasi minsan tayong mga Pinoy, alam na nga nating mali ang makialam sa mga bagay na dapat wala ka naman talagang kinalaman ay patuloy pa rin tayo sa pakikialam. Ewan ko ba kung bat ganun tayo. At may pahabol pa pala, bago ko tapusin tong maikling post kong ito ay sasabihin ko muna ang last kong example ng pakikisawsaw. Sigurado akong maraming makakarelate dito, ang pakikisawsaw sa isang relationship. Meron na ngang shota o asawa, makikikabit pa. Naman naman. Hindi niyo ba naisip na kahit sa anong sitwasyon, advantage naming mgalalaki yun ang maraming mauto at makisawsaw. Ika nga nila mas marami, mas masaya. Hindi ba naisip ng mga babae diyan na minsan ginagawa na silang laruan dahil sa hilig nilang makisawsaw? Kasi kapansin-pansin, karamihan ng mga babae mahilig sumawsaw. Ewan ko ba kung bakit. Well, sabi nga ng isa kong kaibigan (na nakisawsaw din, pero hindi na natuloy... PEACE), attracted daw kasi ang mga babae sa mga may shota. Di ko alam san niya yun nabasa pero parang nabanggit niya sakin kung saan kaso di ko naman maalala. Kaya sa mga natamaan dyan na mahilig makisawsaw, mag-isip-isip na. Kahit ano mang aspeto, tsismisan, awayan at maging sa pakikipagrelasyon masama ang pakikisawsaw. Pero meron din namang maganda sa pakikisawsaw at ito na marahil ang dahilan kung bakit maraming nakikisawsaw, kasi nga lagi kang updated (haha).
pedeng Magrequest pede next time ung
ReplyDelete"Makapit na Kuto at mga anak nyang sipsip" naman ang idiscuss mo ung taong dami ng issue pero ayaw paring magresign
O kaya "Walang Boss Boss , kay Baboy Bangsit" ung kala mo kung umasta wala naman achievement sa buhay haha.... sge na sge na
grabe mut nga comment hahaha... i'll try... peo marami akong pwedeng iexample
ReplyDeleteoo example mu ung nasa eskwelahan para masaya, para matigil na pag side side layn nya
ReplyDeletehahaha... dapat ung example na hindi nakakasakit ng damdamin... example na mapagbalatkayo
ReplyDelete