Site Updates:
You can access this site using your mobile phone!
02-01-11

Friday, July 29, 2011

Bakit nga ba maraming nangangaliwa?


(Ang larawang ito ay kinuha ko lamang sa http://khantotantra.blogspot.com at hindi ko ito pag-aari)

Malamang yan ang tanong ng karamihan sa atin. Pero bakit nga ba maraming nangangaliwa? Hindi ba pwedeng maging loyal na lang at magmahal ng iisa? 

Marami akong kakilala na mahilig maghanap kahit na mayroon na nga lang shota. Marami akong kakilalang hindi kontento sa iisa at gusto may kasabay pa. Ano nga bang tunay na dahilan? Bakit nga ba hindi makontento ang tao sa kung ano ang meron sya? Ano nga ba ang magandang dulot ng kaliwa't kanang shota? Sabi nga nila, nasusukat daw ang iyong pagkalalaki sa dami ng shota at dami ng naespikikay. Kahit saang umpukan ng mga kalalakihan ka magpunta ay andiyan ang pagbibida at pagkwekwento ng ilan sa kanilang mga naging karanasan (at inaamin ko, minsan isa ako doon). Si ganito, si ganyan magaling yan. Yan yung mga ilan lamang sa laman ng usapan. Hindi ko na masyadong idedetalye dahil delikado na maraming makakabasa (hehe). Bahala na kayong mag-isip kung ano pa ang mga topic. 

Para sa akin, hindi naman masamang magkaroon ng maraming shota basta hindi sabay-sabay. Yun bang tipo na, may gf ka ngayon eh dapat sa kanyan lang muna wag yung manliligaw ka pa. Minsan hindi lang isa kundi tatlo ang nililigawan. Ngunit napansin ko sa mga ganoong mga “uri” ng lalaki ay sila yung mga tipong hindi pa nararanasan kung paano ang pakiramdam ng nasasaktan. Sila yung mga tipo na hindi makontento sa iisa. Siyempre sa ngayon masaya nga sila, pero kinabukasan masaya pa rin ba sila? Hindi ba sila natatakot na magising nalang sila isang araw na ang katabi nila at makakasama habang buhay ay yung taong hindi naman nila mahal? Hindi ba sila natatakot na baka mangyari rin yun sa mga magiging anak nila? Kung isa ka man sa kanila, mag-isip-isip ka na habang maaga pa. Matuto kang igalang at irespeto ang mga babae. At higit sa lahat matuto kang pahalagahan ang taong nagmamahal at ibinigay ang lahat sa iyo.  Hindi iyong tipong matapos mong pagsawaan ay basta basta mo nalang itatapon na parang C (alam niyo na kung ano to, di na kailangang buuin pa dahil alam kong magaling kayon mag-imagine at madali kayong makagets).   

Naalala ko tuloy yung kwento ng isang tagapakinig ni Papa Jack sa Love Radio. Medyo matagal ko na ring narinig pero naaalala ko pa rin kasi nga napakaganda ng kwento ng girl. Ganito ang kwento, yong asawa niya nasa abroad. Bale meyo matagal na rin yung asawa niya sa abroad, hanggang sa isang araw may nagbalita sa kanya. Kaibigan nila yong nagbalitang iyon na kinakatagpo raw ng kanyang asawa yung ex niya doon. Minsan ay doon na nga natutulog ang babae sa tinutuluyan ng kanyang asawa. Kumbaga parang mag-asawa na rin ang dating. Tinawagan niya ang kanyang asawa at hindi naman ito nagkaila na nagsasama sila ng ex niya. Nasasaktan may hindi niya ito ipinakita sa kanyang anak dahil ayaw niyang maapektuhan ito hanggang sa ang anak na niya ang makadiskubre ng ginawa ng ama. Nang minsang magbrowse ng kanyang facebook account ang kanyang anak ay nakita niya ang kinakasama ng kanyang ama. Nagtanung-tanong na ito sa kanyang ina at tinawagan nila ang kanyang ama. Hindi ito sumasagot kaya pinagtakpan pa rin niya ang asawa kahit na mali na ang ginagawa nito. Naikwento niya rin sa naturang programa ang mga pinagdaanan niya upang ipaglaban lamang ang kanilang relasyon sa kanyang mga magulang dahil noon pa may tutol ang kanyang mga magulang sa lalaking iyon. Napaluha si Papa Jack habang nagpapayo sa caller. Bilib siya sa pagmamahal nito para sa kanyang asawa na kahit na niloloko siya ay handa pa rin niya itong tanggapin dahil mahal niya ito at para na rin sa kanilang anak. Maging ako man ay saludo sa babaeng iyon na sa kabila ng ginawa sa kanya ay nagpapatuloy pa rin siyang mahalin ang kanyang asawa. Bihira lamang ang mga taong wagas kung magmahal at sa kamalasan pa ay nakatagpo siya ng nangangaliwa. 

Pano kung sa iyo rin mangyari iyon, makakaya mo kaya ang sakit. Hindi porke't lahat ng gusto mo ay pinagbibigyan at nakukuha mo ay napakadali nalang sa iyong saktan ang damdamin ng iba. Tandaan mo, tao ang mga babae at hindi laruan. May damdamin at hindi bato. Kung sa tingin mo masaya ka sa ginagawa mo, mag-isip ka. Habang nagsasaya ka sa mga niloloko mo ay may mga tao ring nasasaktan sa paligid mo. Matuto naman sana tayong irespeto ang isa't isa. Hindi iyong gusto lang iwaksi ang init ng katawan ay sige lang ng sige. Isipin naman natin na hindi laruan ang mga babae. Isipin naman natin kung tama pa ba ang ginagawa natin. Ayos lang naman sana kung hindi committed at walang masasaktan, kaso hindi eh. Nang dahil sa pangangaliwang yan, marami ang nagdurusa.   

Hindi pa huli ang lahat para magbago. Marami pa tayong oras para ituwid ang ating mga pagkakamali. Tiglan na ang pagiging playboy at maging stick to one lang dapat. Ang buhay ay hindi naman tungkol sa paramihan ng (*&(*&^^))) (alam niyo na), kundi tungkol sa kung ano ang nagawa mo habang nabubuhay ka pa mabuti man o masama. Sa susunod, tungkol naman sa mga playgirl para patas :) 

Bago ko tapusin itong maikling post ko na ito, kailangan ko munang sagutin ang tanong kung bakit nga ba maraming nangangaliwa. Marahil hindi na sila masaya, hindi kontento sa ibinibigay, gusto ng marami especially experience, o di naman ay gusto lang ng may pampalipas oras. Pero gaya nga ng sinabi ko, bago ka mangaliwa isipin mo muna ang mga kahihinatnan ng iyong gagawin. Gaya nga ng mga post ko sa facebook, matuto tayong matakot sa karma. Kung ikaw ang nananakit ngayon, malay mo bukas ikaw naman ang masaktan at ang malala ikamatay mo pa. THINK.  (pasensya na maraming segway) 

4 comments:

  1. Exception naman siguro ung mga single na maraming bestpren hinde naman siguro pambabae un kasi wala na mang relasyon dun diba bwahaha XD

    ReplyDelete
  2. yup... syempre hindi naman pangangaliwa tawag dun... chix hunting hahahaha

    ReplyDelete
  3. haha pasalamat ka nga lahat ng Barkada mo mahilig lang mag bestpren haha. Teka may dalawa palang hindi single sa atin pero mahilig magbespren anung tawag dun...

    ReplyDelete
  4. kumbinasyon ng pangangaliwa at chix hunting? hahaha... aba malay ko ba sa tawag dun

    ReplyDelete