Site Updates:
You can access this site using your mobile phone!
02-01-11

Saturday, July 30, 2011

Bakit maraming sawsaw?



Maramil maraming nakakaalala sa title na ito. Marahil yung mga nakakaalam mapapangiti nalang at sasabihing, muntikan na. Kung naalala niyo pa (sa mga nakakakilala sakin) kung ano talaga ang nangyari ng dahil sa title na ito, well ito lang naman ang nakapagpakaba sa akin ng husto hahaha at nagpatibay sa samahan ng mga nainvolve (realible source?). Sa ngayon, mabait na ako hindi na ganon ang content ng post kung ito. Gusto ko sanang talakayin ngayon yung about sa paninigarilyo kaso nawalan ako ng gana kaya naisip ko why not itackle ko nalang yung mga sawsaw.

Kung napapansin niyo, tayong mga Pinoy ay mahilig talagang makisawsaw. Lahat nalang kahit hindi ka involve ay kunwari involve ka para makasagap lamang ng balita at kunwari concern. Isang halimbawa ng pakikisawsaw ay kapag may usapan ang isang grupo at bigla ka nalang sumingit. Kahit hindi alam ang topic eh parang sigurado sa mga sinasabi (Isa ka ba doon?). Hanggang sa siya na ang bida at wala ng makasingit. Isa rin sa mga halimbawa nito ay ang pagkahilig na sumali sa away ng may away. Minsan pati away bata eh nakikisali na rin ang mga matatanda. Tama ba yun? Mali man, natatawa pa rin ako lalo na kung walang patatalo. Lagi ko tuloy naaalala ang lugar namin halos araw-araw may away. Pano ba naman kasi, nag-away lang yung dalawang bata pati yung mga magulang, lolo, lola, ate, kuya at kung sinu-sino pa ang nakikisali.

Kasi minsan tayong mga Pinoy, alam na nga nating mali ang makialam sa mga bagay na dapat wala ka naman talagang kinalaman ay patuloy pa rin tayo sa pakikialam. Ewan ko ba kung bat ganun tayo. At may pahabol pa pala, bago ko tapusin tong maikling post kong ito ay sasabihin ko muna ang last kong example ng pakikisawsaw. Sigurado akong maraming makakarelate dito, ang pakikisawsaw sa isang relationship. Meron na ngang shota o asawa, makikikabit pa. Naman naman. Hindi niyo ba naisip na kahit sa anong sitwasyon, advantage naming mgalalaki yun ang maraming mauto at makisawsaw. Ika nga nila mas marami, mas masaya. Hindi ba naisip ng mga babae diyan na minsan ginagawa na silang laruan dahil sa hilig nilang makisawsaw? Kasi kapansin-pansin, karamihan ng mga babae mahilig sumawsaw. Ewan ko ba kung bakit. Well, sabi nga ng isa kong kaibigan (na nakisawsaw din, pero hindi na natuloy... PEACE), attracted daw kasi ang mga babae sa mga may shota. Di ko alam san niya yun nabasa pero parang nabanggit niya sakin kung saan kaso di ko naman maalala. Kaya sa mga natamaan dyan na mahilig makisawsaw, mag-isip-isip na. Kahit ano mang aspeto, tsismisan, awayan at maging sa pakikipagrelasyon masama ang pakikisawsaw. Pero meron din namang maganda sa pakikisawsaw at ito na marahil ang dahilan kung bakit maraming nakikisawsaw, kasi nga lagi kang updated (haha).   

Friday, July 29, 2011

Bakit nga ba maraming nangangaliwa?


(Ang larawang ito ay kinuha ko lamang sa http://khantotantra.blogspot.com at hindi ko ito pag-aari)

Malamang yan ang tanong ng karamihan sa atin. Pero bakit nga ba maraming nangangaliwa? Hindi ba pwedeng maging loyal na lang at magmahal ng iisa? 

Marami akong kakilala na mahilig maghanap kahit na mayroon na nga lang shota. Marami akong kakilalang hindi kontento sa iisa at gusto may kasabay pa. Ano nga bang tunay na dahilan? Bakit nga ba hindi makontento ang tao sa kung ano ang meron sya? Ano nga ba ang magandang dulot ng kaliwa't kanang shota? Sabi nga nila, nasusukat daw ang iyong pagkalalaki sa dami ng shota at dami ng naespikikay. Kahit saang umpukan ng mga kalalakihan ka magpunta ay andiyan ang pagbibida at pagkwekwento ng ilan sa kanilang mga naging karanasan (at inaamin ko, minsan isa ako doon). Si ganito, si ganyan magaling yan. Yan yung mga ilan lamang sa laman ng usapan. Hindi ko na masyadong idedetalye dahil delikado na maraming makakabasa (hehe). Bahala na kayong mag-isip kung ano pa ang mga topic. 

Para sa akin, hindi naman masamang magkaroon ng maraming shota basta hindi sabay-sabay. Yun bang tipo na, may gf ka ngayon eh dapat sa kanyan lang muna wag yung manliligaw ka pa. Minsan hindi lang isa kundi tatlo ang nililigawan. Ngunit napansin ko sa mga ganoong mga “uri” ng lalaki ay sila yung mga tipong hindi pa nararanasan kung paano ang pakiramdam ng nasasaktan. Sila yung mga tipo na hindi makontento sa iisa. Siyempre sa ngayon masaya nga sila, pero kinabukasan masaya pa rin ba sila? Hindi ba sila natatakot na magising nalang sila isang araw na ang katabi nila at makakasama habang buhay ay yung taong hindi naman nila mahal? Hindi ba sila natatakot na baka mangyari rin yun sa mga magiging anak nila? Kung isa ka man sa kanila, mag-isip-isip ka na habang maaga pa. Matuto kang igalang at irespeto ang mga babae. At higit sa lahat matuto kang pahalagahan ang taong nagmamahal at ibinigay ang lahat sa iyo.  Hindi iyong tipong matapos mong pagsawaan ay basta basta mo nalang itatapon na parang C (alam niyo na kung ano to, di na kailangang buuin pa dahil alam kong magaling kayon mag-imagine at madali kayong makagets).   

Naalala ko tuloy yung kwento ng isang tagapakinig ni Papa Jack sa Love Radio. Medyo matagal ko na ring narinig pero naaalala ko pa rin kasi nga napakaganda ng kwento ng girl. Ganito ang kwento, yong asawa niya nasa abroad. Bale meyo matagal na rin yung asawa niya sa abroad, hanggang sa isang araw may nagbalita sa kanya. Kaibigan nila yong nagbalitang iyon na kinakatagpo raw ng kanyang asawa yung ex niya doon. Minsan ay doon na nga natutulog ang babae sa tinutuluyan ng kanyang asawa. Kumbaga parang mag-asawa na rin ang dating. Tinawagan niya ang kanyang asawa at hindi naman ito nagkaila na nagsasama sila ng ex niya. Nasasaktan may hindi niya ito ipinakita sa kanyang anak dahil ayaw niyang maapektuhan ito hanggang sa ang anak na niya ang makadiskubre ng ginawa ng ama. Nang minsang magbrowse ng kanyang facebook account ang kanyang anak ay nakita niya ang kinakasama ng kanyang ama. Nagtanung-tanong na ito sa kanyang ina at tinawagan nila ang kanyang ama. Hindi ito sumasagot kaya pinagtakpan pa rin niya ang asawa kahit na mali na ang ginagawa nito. Naikwento niya rin sa naturang programa ang mga pinagdaanan niya upang ipaglaban lamang ang kanilang relasyon sa kanyang mga magulang dahil noon pa may tutol ang kanyang mga magulang sa lalaking iyon. Napaluha si Papa Jack habang nagpapayo sa caller. Bilib siya sa pagmamahal nito para sa kanyang asawa na kahit na niloloko siya ay handa pa rin niya itong tanggapin dahil mahal niya ito at para na rin sa kanilang anak. Maging ako man ay saludo sa babaeng iyon na sa kabila ng ginawa sa kanya ay nagpapatuloy pa rin siyang mahalin ang kanyang asawa. Bihira lamang ang mga taong wagas kung magmahal at sa kamalasan pa ay nakatagpo siya ng nangangaliwa. 

Pano kung sa iyo rin mangyari iyon, makakaya mo kaya ang sakit. Hindi porke't lahat ng gusto mo ay pinagbibigyan at nakukuha mo ay napakadali nalang sa iyong saktan ang damdamin ng iba. Tandaan mo, tao ang mga babae at hindi laruan. May damdamin at hindi bato. Kung sa tingin mo masaya ka sa ginagawa mo, mag-isip ka. Habang nagsasaya ka sa mga niloloko mo ay may mga tao ring nasasaktan sa paligid mo. Matuto naman sana tayong irespeto ang isa't isa. Hindi iyong gusto lang iwaksi ang init ng katawan ay sige lang ng sige. Isipin naman natin na hindi laruan ang mga babae. Isipin naman natin kung tama pa ba ang ginagawa natin. Ayos lang naman sana kung hindi committed at walang masasaktan, kaso hindi eh. Nang dahil sa pangangaliwang yan, marami ang nagdurusa.   

Hindi pa huli ang lahat para magbago. Marami pa tayong oras para ituwid ang ating mga pagkakamali. Tiglan na ang pagiging playboy at maging stick to one lang dapat. Ang buhay ay hindi naman tungkol sa paramihan ng (*&(*&^^))) (alam niyo na), kundi tungkol sa kung ano ang nagawa mo habang nabubuhay ka pa mabuti man o masama. Sa susunod, tungkol naman sa mga playgirl para patas :) 

Bago ko tapusin itong maikling post ko na ito, kailangan ko munang sagutin ang tanong kung bakit nga ba maraming nangangaliwa. Marahil hindi na sila masaya, hindi kontento sa ibinibigay, gusto ng marami especially experience, o di naman ay gusto lang ng may pampalipas oras. Pero gaya nga ng sinabi ko, bago ka mangaliwa isipin mo muna ang mga kahihinatnan ng iyong gagawin. Gaya nga ng mga post ko sa facebook, matuto tayong matakot sa karma. Kung ikaw ang nananakit ngayon, malay mo bukas ikaw naman ang masaktan at ang malala ikamatay mo pa. THINK.  (pasensya na maraming segway) 

Thursday, July 28, 2011

Pagkakaibigan

Lahat tayo gusto ng isang kaibigan. Kaibigang dadamay sa atin sa oras na down tayo. Kaibigang laging andiyan para pagsabihan mo ng mga problema at hinanakit. Kaibigan na andiyan sa kasiyahan at maging sa kalungkutan. 

Kung tutuusin, madali lang makipagkaibigan. Kahit na sa una'y di mo kakilala, maya-maya mag-uusap na kayo tapos magiging close. Marami sa kanila ay tunay at tapat ang pakikipagkaibigan ngunit marami rin ang may tinatagong motibo. Maaaring kaibigan mo ngayon ngunit kaaway mo na kinabukasan. Maaari rin namang kaibigan mo ngayon tapos bukas magshota na pala kayo. 

Marami na akong mga naging karanasan kung tungkol sa pagkakaibigan ang pinag-uusapan. Madali lang akong magtiwala at tinuturin ko ang lahat na aking kaibigan basta ba'y mabait o nagbabaitbaitan. Ngunit iilan lang sa mga nakilala ko ang tunay at hindi plastic. Ngunit, ayoko nang balikan pa ang mga karanasan sa mga plastic na kaibigan, doon tayo magfocus sa mga tunay.

Pinakamasayang part ng pagiging estudyante ko ay nung tumuntong ako ng college. Noong una, naiilang ako sa mga kaklase ko kasi nga naman mga mayayaman at talagang may sinasabi sa buhay. Isa pa na nagpalala ay ang sabi-sabing eskwelahan ng mayayaman ang aking pinasukan. Ngunit sa paglipas ng mga araw, ang mga inakala kong sosyalero't sosyalera ay hindi pala, very down to earth ika nga. Malambing, masarap kausap, kalog, hindi maarte at iba pa na magagandang katangian. Sa wakas nasambit ko sa aking sarili na nakahanap na rin ako ng mga tunay na kaibigan. Naging exciting ang college life ko dahil na rin sa kanila. Maraming pagsubok ang dinaanan at lahat nama'y nalampasan dahil na rin sa pagtutulungan. Halimbawa nalang para makapasa tulungan sa paggawa ng assignments, projects minsan pa nga quizzes (hehe). Naging matatag ang samahan hanggang sa dumating yung time na nagkaissue dahil sa isang forum. Ayon lahat ng involved apektado, maging ako man na walang kamuwang muwang sa nilalaman ng isang topic. May nasuspendi, may nagcommunity service na hanggang ngayon ay di pa naipapasa ang output (hehe). Isa pa palang issue ay yung max carinderia. Napasugod kami sa max's restaurant tapos malalaman namin na carinderia lang pala nagpakain yung isa naming kasama. Well, dun nagsimula yung forum issue. 

Lumipas ang mga panahon, naghilom ang sugat na dinulot ng max at forum issue. Okey na ulit ang samahan. May mga nagbago ng todo at naging maamong tupa at may mga naging masahol pa sa kambing. Magkaganon man ay nanatiling solido ang samahan. 

Maging sa kalokohan ay solido ang grupo. May mga muntik di grumaduate dahil na rin sa iba't ibang kontrobersiyang kinasangkutan lalong lalo na sa isang blog post. Pero yung mga yun ay pinahintulutang mangyari para masubok ang tatag ng aming samahan. Walang nagpatinag, lahat lumaban para sa aming karapatan. Nagtagumpay ang grupo dahil na rin sa pagtutulungan at nang dahil na rin sa pagsasakripisyo para sa pagkakaibigan ay naiangat namin ang isa't-isa. Nakakamiss man ang naging aming samahan ay nananatili pa rin sa aming mga isipan na kami'y buo at magkakasama. Iyan na marahil ang maibabahagi ko tungkol sa mga kaibigan ko. Marami pa kaso nakakatamad naman kung isusulat ko pa lahat. Hanggang sa muli!

Tuesday, July 26, 2011

Unang Sabak

Unang sabak sa pangalawang blog ko. We'll nakakapanibago dahil hindi mga kwentong kathang isip ang ipopost ko rito kundi mga tunay na saloobin ko at ng mga taong nasa paligid ko ang mababasa niyo rito simula ngayon. Since unang post ito, wala pa akong masyadong masasabi. Ganito nalang, since wala pa akong bagong gimik why not magsend kayo sa email ko ng mga problema niyo, kahit ano. Problema sa pera, pag-ibig o pagkalagas ng buhok, bibigyan natin yan ng kaukulang solusyon.

Hindi ko naman sasabihin kung sino ang nagpadala ng email na iyon eh. Kaya kung meron man, feel free to send it to xerenader@gmx.com . Susubukan kong intindihin ang iyon sitwasyon sa abot ng aking makakaya upang makapagbigay ng kaukulang payo.

Wait ko mga, email niyo. Ito nga pala, ipopost ko rito sa blog ko yung mga isesend niyo sa akin para makapagcomment ung mga nagbabasa. Malay mo, may mas maganda silang solusyon sa prinoproblema mo, di ba. Tulungan lang iyan. Kung di mo na kaya, humanap ng makakausap. Andito kami upang tumulong.

O pano, hanggang sa muli. Ichecheck ko lagi email ko. Gandang araw! :)