Site Updates:
You can access this site using your mobile phone!
02-01-11

Tuesday, September 9, 2014

Bakit Nga Ba Mahal Ko Siya?

Bakit nga ba mahal ko siya? Well, tanong ko rin yan sa sarili ko. Ngunit kahit ano mang pag-iisip ang gawin ko ay hindi ko pa rin mawari kung bakit nga ba siya ang mahal ko?

Para sakin kasi, pag nagmahal ka, hindi kailangan na may nakita ka sa isang tao para mahalin mo ito. Ang pagmamahal ay nararamdaman at hindi yung tipong nakikita lang. Does it makes sense? Ewan. Pero gaya ng sabi ko, wala akong maisip na rason kung bat mahal ko siya, kusa ko nalang itong naramdaman. Ang pagmamahal ay hindi project o task na kailangan ng requirement. Ang pagmamahal ay hindi nababase sa kung ano ang estado, katangian, kasarian, relihiyon o kahit ano pa man. Kung ikaw yung taong nagmamahal dahil gwapo/maganda, mayaman, maputi, matalino, malambing o kung ano pa man yan, para sakin hindi yun tunay na pagmamahal.

Ang tunay na pagmamahal ay walang sukatan o batayan. Paano kung nawala na sa taong sinasabi mong "mahal" mo ang mga katangiang nagustuhan mo sa kanya? Mamahalin mo pa rin ba siya? Halimbawa, nagustuhan mo siya dahil gwapo siya and eventually "mahal" mo na, pano kung isang araw naging pangit na siya, mamagugustuhan o mamahalin mo pa rin ba? Paano kung nagustuhan mo siya dahil mayaman siya then all of a sudden nabankrupt siya at naghirap, mamahalin mo pa rin ba siya? Paano kung nagustuhan mo siya dahil matalino siya at one day nawala yung pagkamatalino niya, mamahalin mo pa rin ba? Marami pa yan at di ko na iisa-isahin pa.

Marami sa atin ang nahuhulog dahil sa may katangian na nakita sa taong nagugustuhan pero what if yung mga katangiang yun ay nawala? Diba napaisip ka rin.

No comments:

Post a Comment