Site Updates:
You can access this site using your mobile phone!
02-01-11

Monday, October 3, 2011

Adbentures of Kiko Uhugin

Chapter 1
Ang Simula ng Adbenture

Isang araw sa bahay ng pamilya Uhugin ay makikitang busy ang ina ni Kiko sa paghahanda ng mga sangkap ng lulutuing adobo. Napansin niyang wala pa pala siyang nabiling bawang. Agad niyang ginising si Kiko na sa mga sandaling iyon ay natutulog. “Kiko, gising na! Anong oras na tulog ka pa rin? Di ka naman napuyat ha. Lagi ka nalang ganyan. Tulog ka ng tulog ang tamad tamad mo pa. Bumangon ka na at bumili ka ng bawang kila Aling Kikay. Pagkatapos mong bumili, mag-igib ka ng tubig at diligan mo ang mga halaman. Pagkatapos mong magdilig, pakaining mo na rin ang mga alaga nating baboy. Naiintindihan mo ba lahat ng pinag-uutos ko Kiko?” “Nay, alam mo utos ka ng utos. Araw-araw andami mong pinag-uutos. Kung ang Diyos nga sasampu lang ang utos, kayo pa kaya nay?”, sambit ni Kiko. “Ahay, ikaw talagang bata ka, mahilig magpalusot at magrason. O sige na nga, ako na ang magpapakain sa mga baboy basta gawin mo lang ang iba kong pinag-uutos.”

Bumangon na si Kiko at kinuha ang pambili ng bawang. Paglabas ni Kiko ng bakuran ay nakasalubong niya si Anik, ang batang alaskador. Dahil sa may kaitiman si Kiko, “Kiko baluga, Kiko baluga.”, pang-aasar ni Anik. “Ano naman ngayon kung baluga ako? Para sabihin ko sa iyo kahit na baluga ako, wala naman akong pabango na gaya ng pabango mo! Passion ba yan o Attraction? O, baka naman Innocence?”, ani ni Kiko. Inamoy ni Anik ang sarili sabay sabing, “Nek nek mo, diyan ka na nga lang.” “Haha, pikon. Ayan kasi nakikipag-asaran tapos siya naman ang unang maaasar.”, pang-aalaska ni Kiko.

Nagpatuloy sa paglalakad si Kiko hanggang sa makarating siya sa tindahan ni Aling Kikay. “Napakaganda mo ngayon Aling Kikay wala kang katulad.”, ani ni Kiko. “Talaga Kiko, ikaw talaga. Hindi naman ganun, pero dahil sa sinabi mo ililibre kita kung ano man ang bibilhin mo.”, sagot ni Aling Kikay. “Talaga Aling Kikay? Hindi ka lang maganda, magandang-maganda at napakabait pa!”, patuloy na pambobola ni Kiko. “Dahil sa sinabi mo Kiko, may libre ka pang softdrinks!”, sabi ng utu-utong Kikay. “Talaga Aling Kikay? Maraming salamat!” “Ano nga pala ang bibilhin mo Kiko?”, tanong ni Aling Kikay. “Bawang po Aling Kikay.” “Heto na ang bawang Kiko. Super ganda ko talaga noh? Aw.”, pag-uulit ni Kikay habang nakapose ng parang pang FHM. “Eh, Arggsss. Nakakasuka.”, bulong ni Kiko. “Anong sinabi mo Kiko?”, tanong ni Aling Kikay. “Ah, sabi ko po, sobrang ganda niyo. Mas maganda pa kayo kay Angel Locsin o kay Marian Rivera.”, pagpapalusot ni Kiko. Pagkatapos niyon ay agad umalis si Kiko at sinimulan na niya ang mahabang paglalakbay pauwi. 

No comments:

Post a Comment