Site Updates:
You can access this site using your mobile phone!
02-01-11

Sunday, October 9, 2011

Adbentures of Kiko Uhugin 2


Chapter 2
Ang mukhang aswang at si Doratue
Medyo nakalayo na si Kiko sa tindahan ni Aling Kikay. Habang siya’y naglalakad, napansin niya ang kanina pa’y sumusunod sa kanya. Nilingon niya ito at sa sobrang gulat niya sa nakita ay naihagis nito sa lalaki ang hawak na softdrinks. Nanlilisik ang mga mata nito at parang kayang pumatay ng tao. Naalala niya tuloy ang napapabalitang may aswang sa kanilang lugar at pagala-gala lamang ito. “Lumayas ka aswang! Wag kang lalapit may hawak akong bawang!”, pagbabanta ni Kiko. Napaupo si Kiko sa sobrang takot at nakapulot ng bato. Ibinato ni Kiko sa lalaki ang hawak na bato. Natamaan ang lalaki at maya-maya pa’y humagulgol ito. “Hindi naman ako aswang eh. Ibibigay ko lang sana itong nahulog mong bente. ”, turan ng lalaki. “Ay, sorry. Kala ko  aswang ka eh. Ampula kasi ng mga mata mo at para ka kasing monster. Mali pala ako, hindi ka aswang malamang adik ka.”, pagpapaliwanag ni Kiko. “Anong adik ka diyan. Hindi ako adik at mas lalong hindi ako aswang. Ganyan naman lagi ang sinasabi nila sa akin eh. Hindi porke’t ampangit ko na eh pagkakamalan na akong aswang.”, maluha-luhang sagot ng lalaki. “O siya, sayo nalang yang bente. Kawawa ka naman. Aalis na ako ha. Hinihintay na ni nanay yung bawang.”, paalam ni Kiko.
Nagpatuloy na sa paglalakad si Kiko. Nakakita siya ng isang kuting sa gilid ng kalsada. Nahabag si Kiko at nagpasyang ampunin ang kuting. “Kuting, kuting mapalad ka at ako nakapulot say o.”, sabi ni Kiko sa pusa. “Meow, meow salamat sa iyo.”, sabat ng pusa. “Nagulat si Kiko at sa sobrang gulat niya ay nahimatay ito.”
Narrator: Ikaw ba naman kausapin ka ng pusa, mabuti nalang at walang sakit sa puso si Kiko. Kung nagkataon diretso langit ang mokong.
“Meow, meow. Gising na beluga!”, pangungulit ng pusa. Nagising nga si Kiko at hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na may nagsasalitang pusa. “Meow, meow buti naman gising na ang mahal kong beluga.” “Hoy pusa ka, hindi porke’t…” “Porke’t??? Ituloy mo” “Cute ka eh tatawagin mo na akong baluga”, pagtutuloy ni Kiko. “Meow, buti at alam mong cute ako. Siya nga pala, ako si Dorae…”, hindi pa man natatapos ang pusa ay sumingit na si Kiko. “Aha, sabi na nga ba. Ikaw si Doraemon? Yehey!” “Meow. Eh mali. Ako si Doraetue ang kapatid ni Doraemon. Pinanganak siya ng Monday at ako naman ay Tuesday. Gets mo?”

Monday, October 3, 2011

Adbentures of Kiko Uhugin

Chapter 1
Ang Simula ng Adbenture

Isang araw sa bahay ng pamilya Uhugin ay makikitang busy ang ina ni Kiko sa paghahanda ng mga sangkap ng lulutuing adobo. Napansin niyang wala pa pala siyang nabiling bawang. Agad niyang ginising si Kiko na sa mga sandaling iyon ay natutulog. “Kiko, gising na! Anong oras na tulog ka pa rin? Di ka naman napuyat ha. Lagi ka nalang ganyan. Tulog ka ng tulog ang tamad tamad mo pa. Bumangon ka na at bumili ka ng bawang kila Aling Kikay. Pagkatapos mong bumili, mag-igib ka ng tubig at diligan mo ang mga halaman. Pagkatapos mong magdilig, pakaining mo na rin ang mga alaga nating baboy. Naiintindihan mo ba lahat ng pinag-uutos ko Kiko?” “Nay, alam mo utos ka ng utos. Araw-araw andami mong pinag-uutos. Kung ang Diyos nga sasampu lang ang utos, kayo pa kaya nay?”, sambit ni Kiko. “Ahay, ikaw talagang bata ka, mahilig magpalusot at magrason. O sige na nga, ako na ang magpapakain sa mga baboy basta gawin mo lang ang iba kong pinag-uutos.”

Bumangon na si Kiko at kinuha ang pambili ng bawang. Paglabas ni Kiko ng bakuran ay nakasalubong niya si Anik, ang batang alaskador. Dahil sa may kaitiman si Kiko, “Kiko baluga, Kiko baluga.”, pang-aasar ni Anik. “Ano naman ngayon kung baluga ako? Para sabihin ko sa iyo kahit na baluga ako, wala naman akong pabango na gaya ng pabango mo! Passion ba yan o Attraction? O, baka naman Innocence?”, ani ni Kiko. Inamoy ni Anik ang sarili sabay sabing, “Nek nek mo, diyan ka na nga lang.” “Haha, pikon. Ayan kasi nakikipag-asaran tapos siya naman ang unang maaasar.”, pang-aalaska ni Kiko.

Nagpatuloy sa paglalakad si Kiko hanggang sa makarating siya sa tindahan ni Aling Kikay. “Napakaganda mo ngayon Aling Kikay wala kang katulad.”, ani ni Kiko. “Talaga Kiko, ikaw talaga. Hindi naman ganun, pero dahil sa sinabi mo ililibre kita kung ano man ang bibilhin mo.”, sagot ni Aling Kikay. “Talaga Aling Kikay? Hindi ka lang maganda, magandang-maganda at napakabait pa!”, patuloy na pambobola ni Kiko. “Dahil sa sinabi mo Kiko, may libre ka pang softdrinks!”, sabi ng utu-utong Kikay. “Talaga Aling Kikay? Maraming salamat!” “Ano nga pala ang bibilhin mo Kiko?”, tanong ni Aling Kikay. “Bawang po Aling Kikay.” “Heto na ang bawang Kiko. Super ganda ko talaga noh? Aw.”, pag-uulit ni Kikay habang nakapose ng parang pang FHM. “Eh, Arggsss. Nakakasuka.”, bulong ni Kiko. “Anong sinabi mo Kiko?”, tanong ni Aling Kikay. “Ah, sabi ko po, sobrang ganda niyo. Mas maganda pa kayo kay Angel Locsin o kay Marian Rivera.”, pagpapalusot ni Kiko. Pagkatapos niyon ay agad umalis si Kiko at sinimulan na niya ang mahabang paglalakbay pauwi.