Bakit nga ba mahal ko siya? Well, tanong ko rin yan sa sarili ko. Ngunit kahit ano mang pag-iisip ang gawin ko ay hindi ko pa rin mawari kung bakit nga ba siya ang mahal ko?
Para sakin kasi, pag nagmahal ka, hindi kailangan na may nakita ka sa isang tao para mahalin mo ito. Ang pagmamahal ay nararamdaman at hindi yung tipong nakikita lang. Does it makes sense? Ewan. Pero gaya ng sabi ko, wala akong maisip na rason kung bat mahal ko siya, kusa ko nalang itong naramdaman. Ang pagmamahal ay hindi project o task na kailangan ng requirement. Ang pagmamahal ay hindi nababase sa kung ano ang estado, katangian, kasarian, relihiyon o kahit ano pa man. Kung ikaw yung taong nagmamahal dahil gwapo/maganda, mayaman, maputi, matalino, malambing o kung ano pa man yan, para sakin hindi yun tunay na pagmamahal.
Ang tunay na pagmamahal ay walang sukatan o batayan. Paano kung nawala na sa taong sinasabi mong "mahal" mo ang mga katangiang nagustuhan mo sa kanya? Mamahalin mo pa rin ba siya? Halimbawa, nagustuhan mo siya dahil gwapo siya and eventually "mahal" mo na, pano kung isang araw naging pangit na siya, mamagugustuhan o mamahalin mo pa rin ba? Paano kung nagustuhan mo siya dahil mayaman siya then all of a sudden nabankrupt siya at naghirap, mamahalin mo pa rin ba siya? Paano kung nagustuhan mo siya dahil matalino siya at one day nawala yung pagkamatalino niya, mamahalin mo pa rin ba? Marami pa yan at di ko na iisa-isahin pa.
Marami sa atin ang nahuhulog dahil sa may katangian na nakita sa taong nagugustuhan pero what if yung mga katangiang yun ay nawala? Diba napaisip ka rin.
Uno-Onse
Site Updates:
02-01-11
02-01-11
Tuesday, September 9, 2014
Thursday, November 29, 2012
A New Blessing
Kahit na hindi ako naging mabait ngayong taon ay naging mabait pa rin sa kin si Lord. Alam naman niya kung bakit sumobra galit ko at I'm sure naintindihan nNiya ako kahit na hindi ako naintindihan ng karamihan. May mga pintong nagsarado ngunit magkagayunma'y hindi ko iyon pinagsisisihan dahil alam ko sa sarili ko na tama lang ang ginawa ko. Aanhin mo naman ang pagkakaibigang wala ng tiwala sa isa't isa? Ayokong ipilit ang isang bagay kung sa tingin ko nama'y wala na ring pag-asa. Sabi nga nila, mawalan ka man ay mas maganda ang magiging kapalit. Well ngayon ginaganahan na naman akong gumawa ng mga ipopost ko sa aking blog. Tamang tema lang ang aking kailangan para magawa iyon.
Thursday, October 4, 2012
FOE
Matagal-tagal na rin mula noong mga huling post ko sa kahit na anuman sa mga blogs ko. Ngayon lang ako mapapapost dahil hindi dahil sa gusto ko lang o ngayon ko lang naisipan kundi dahil sa pagtuligsa sa maaaring pagkitil ng ating karapatang maipahayag ng malaya ang ating mga saloobin o mga kuru-kuro. Ang bawat isa sa atin ay malayang maipahayag ang kung ano ang gusto nating sabihin makakabuti man o makakasama sa iba. Hindi lahat ng pwedeng sabihin ay magaganda dahil karamihan naman ng nakikita mo sa iyong kapaligiran ay puro hindi maganda. So, ngayong may naipasang batas na maari ng kasuhan ang mga nagpupublish online ng mga hindi nagustuhan ng isang tao ay maaari na nitong ipakulong ang taong iyon ng 6 o hanggang 12 na taon. Mabuti pa iyong magnakaw ka o kung ano pa mang krimen at least hindi ganoon ang parusa.
Sa mundong ating ginagalawan ngayon, hindi natin mapipigilan ang pag-usbong at lalong paglakas ng social media. Ito ang ating paraan ng pagsang-ayon o pagtuligsa sa anumang issue ng ating lipunan. Dito rin naglalabas ng sama ng loob ang karamihan na maaaring sabihin ng ilan na papansin at kaduwagan ngunit ang masasabi ko lang ay wala rin silang karapatang manghusga ng mga naglalabas ng saloobin sa mga social networking sites dahil hindi nila alam kung ano nga ba talaga ang rason kung bakit. Maaring nakakagaan ng loob ng isang indibidwal ang magpost ng kung ano man ang nararamdaman niya. Kaya kung magpapatuloy ang ilang probisyon ng nasabing batas, marahil ay maaabuso ito. Sa ngayon, sasabihin nilang hindi pero pano kung hindi na sila ang nakaupo? Paano kung may pansariling interes ang uupo at upang maprotektahan ang sarili ay gagamitin ang batas para panakot? Maraming pwedeng mangyare at walang makakapagsabi kung saan nga tayo patutungo dahil sa batas na ito.
Sa ngayon ang mga social networking sites ang ginagawang tambayan ng tao na kung saan malayang nakakapagpahayag ng saloobin. Paano nalang kung pati ito ay mawala? Buhay nga naman. Ambilis nilang magpasa ng batas tapos ngayon amyenda ang solusyon? Sayang naman ang pera at oras ng dahil dito diba. Imbes na pinagtutuunan ng pansin ang pag-unlad ng bansa ay eto po tayo sa isyu ng pagkitil sa ating karapatan sa malayang pamamahayag at pagbabahagi ng ating opinyon. Sana naman matuldukan na ito at bigyan muli ng kalayaan ang bawat Pinoy. Mabuhay Pilipinas!
Sa mundong ating ginagalawan ngayon, hindi natin mapipigilan ang pag-usbong at lalong paglakas ng social media. Ito ang ating paraan ng pagsang-ayon o pagtuligsa sa anumang issue ng ating lipunan. Dito rin naglalabas ng sama ng loob ang karamihan na maaaring sabihin ng ilan na papansin at kaduwagan ngunit ang masasabi ko lang ay wala rin silang karapatang manghusga ng mga naglalabas ng saloobin sa mga social networking sites dahil hindi nila alam kung ano nga ba talaga ang rason kung bakit. Maaring nakakagaan ng loob ng isang indibidwal ang magpost ng kung ano man ang nararamdaman niya. Kaya kung magpapatuloy ang ilang probisyon ng nasabing batas, marahil ay maaabuso ito. Sa ngayon, sasabihin nilang hindi pero pano kung hindi na sila ang nakaupo? Paano kung may pansariling interes ang uupo at upang maprotektahan ang sarili ay gagamitin ang batas para panakot? Maraming pwedeng mangyare at walang makakapagsabi kung saan nga tayo patutungo dahil sa batas na ito.
Sa ngayon ang mga social networking sites ang ginagawang tambayan ng tao na kung saan malayang nakakapagpahayag ng saloobin. Paano nalang kung pati ito ay mawala? Buhay nga naman. Ambilis nilang magpasa ng batas tapos ngayon amyenda ang solusyon? Sayang naman ang pera at oras ng dahil dito diba. Imbes na pinagtutuunan ng pansin ang pag-unlad ng bansa ay eto po tayo sa isyu ng pagkitil sa ating karapatan sa malayang pamamahayag at pagbabahagi ng ating opinyon. Sana naman matuldukan na ito at bigyan muli ng kalayaan ang bawat Pinoy. Mabuhay Pilipinas!
Tuesday, April 3, 2012
Random Post
Well, ito na naman ako gagawa ng post na kahit ano. Wala na talaga kasi akong maisip na magandang kwento kaya magrarandom post nalang ako. Ewan pero parang okay na rin ako sa ngayon kasi naman sobrang nadepress ako nung mga nakaraang araw. Ewan ko ba pero kung okay na ako magiging masaya nalang ako kesa naman magmukmuk ako lol. Muntik ko na ngang maubos yong tissue sa table ko kahapon eh. Tulo luha pati sipon tulo hehe. Pero marami rin naman akong natutunan sa mga nangyare. Kahit papaano namulat naman ako na talagang may mga bagay lang na sadyang hindi para sayo kahit para sayo dapat dahil hindi ka naman paniniwalaan.
Well medyo nakakangiti na rin ako. Maganda rin siguro ang resulta ng bonding naming magkapatid kagabi sa Galleria. Kahit na puro kaen lang kami nag-enjoy naman ako. Tsaka gusto ko nalang ienjoy tong pangalawang buhay na binigay sa akin, I mean tsansang mabuhay pa ng matagal dahil kung wala nga naman siyang ginawa malamang 6 feet under na ako ngayon, college pa lang yun ha. At least umabot ako sa ganitong stage.
Ok na ako. Ok na ako. Sana nga magtuluy-tuloy na to. Marami naman akong makikilala diyan eh. Ika nga nila maraming isda sa dagat. Pero sigurado ako marahil sa mga makakabasa nito maguguluhan lang sa post ko. Sinadya ko talagang wag magbanggit ng detailed kasi bawal. Pero sure din naman ako na may makakabasa nito na maiintindihan ung nilalaman nito dahil nga nasabi ko na hehe. Close kami nun kya maiintindihan niya to. Kung talagang curius ka sa mga pinagsasabi ko leave a comment lang. Sasagot naman ako kahit papaano.
Tuesday, March 27, 2012
Medyo Post
Antagal ko na rin palang hindi nakakapagpost dito, December pa yong last. Anyway, update ko lang ang mga nangyayare sa aking buhay kahit hindi kayo interesado. Naging busy sa maraming bagay lalo pa at may blog na namang pinagkakaabalahan. Sa dami ng minimaintain kong blog may napapabayaan na rin ako. Nakafocus ako ngayon sa CorpseProject at nakapagpost naman ako nung nakaraan sa Xerenader na blog ko. Sa ngayon gusto kong ituloy yong nasimulan kong medyo kwento pero wala pa akong time para magsulat. Nakakapiga na masyado ng utak yong Project Z at buti may consultant ako dun at editor kaya naging maganda ang kinalabasan. Yung Paghihiganti ko naman di ko na rin naituloy (kwento rin ang tinutukoy dito dahil wala naman akong paghihigantihan hehe). Ayon nga busy nga masyado nakakapiga (naulit to). Pero overall magandang past time ang paggawa ng mga kwento kasi nakakarelax siya. Right now addicted pa rin ako sa KPOP. Sa ngayon, pinapakinggan ko ang "Baby I'm Sorry" by B1A4, "Be Mine" (Japanese Version) by Infinite, ALIVE album by BigBang, at "Insane" by BTOB. Bagong boy band lang yong BTOB ng Cube entertainment. Sa mga palabas naman, balik anime ako. Tama na muna ang koreanovela. Yun lang naman ang updates ko. Hindi ko ineexpect na matutuwa kayo sa post kong ito hehe :)
Sunday, December 18, 2011
Sunday, October 9, 2011
Adbentures of Kiko Uhugin 2
Chapter 2
Ang mukhang aswang at si Doratue
Medyo nakalayo na si Kiko sa tindahan ni Aling Kikay. Habang siya’y naglalakad, napansin niya ang kanina pa’y sumusunod sa kanya. Nilingon niya ito at sa sobrang gulat niya sa nakita ay naihagis nito sa lalaki ang hawak na softdrinks. Nanlilisik ang mga mata nito at parang kayang pumatay ng tao. Naalala niya tuloy ang napapabalitang may aswang sa kanilang lugar at pagala-gala lamang ito. “Lumayas ka aswang! Wag kang lalapit may hawak akong bawang!”, pagbabanta ni Kiko. Napaupo si Kiko sa sobrang takot at nakapulot ng bato. Ibinato ni Kiko sa lalaki ang hawak na bato. Natamaan ang lalaki at maya-maya pa’y humagulgol ito. “Hindi naman ako aswang eh. Ibibigay ko lang sana itong nahulog mong bente. ”, turan ng lalaki. “Ay, sorry. Kala ko aswang ka eh. Ampula kasi ng mga mata mo at para ka kasing monster. Mali pala ako, hindi ka aswang malamang adik ka.”, pagpapaliwanag ni Kiko. “Anong adik ka diyan. Hindi ako adik at mas lalong hindi ako aswang. Ganyan naman lagi ang sinasabi nila sa akin eh. Hindi porke’t ampangit ko na eh pagkakamalan na akong aswang.”, maluha-luhang sagot ng lalaki. “O siya, sayo nalang yang bente. Kawawa ka naman. Aalis na ako ha. Hinihintay na ni nanay yung bawang.”, paalam ni Kiko.
Nagpatuloy na sa paglalakad si Kiko. Nakakita siya ng isang kuting sa gilid ng kalsada. Nahabag si Kiko at nagpasyang ampunin ang kuting. “Kuting, kuting mapalad ka at ako nakapulot say o.”, sabi ni Kiko sa pusa. “Meow, meow salamat sa iyo.”, sabat ng pusa. “Nagulat si Kiko at sa sobrang gulat niya ay nahimatay ito.”
Narrator: Ikaw ba naman kausapin ka ng pusa, mabuti nalang at walang sakit sa puso si Kiko. Kung nagkataon diretso langit ang mokong.
“Meow, meow. Gising na beluga!”, pangungulit ng pusa. Nagising nga si Kiko at hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na may nagsasalitang pusa. “Meow, meow buti naman gising na ang mahal kong beluga.” “Hoy pusa ka, hindi porke’t…” “Porke’t??? Ituloy mo” “Cute ka eh tatawagin mo na akong baluga”, pagtutuloy ni Kiko. “Meow, buti at alam mong cute ako. Siya nga pala, ako si Dorae…”, hindi pa man natatapos ang pusa ay sumingit na si Kiko. “Aha, sabi na nga ba. Ikaw si Doraemon? Yehey!” “Meow. Eh mali. Ako si Doraetue ang kapatid ni Doraemon. Pinanganak siya ng Monday at ako naman ay Tuesday. Gets mo?”
Subscribe to:
Posts (Atom)