Site Updates:
You can access this site using your mobile phone!
02-01-11

Thursday, October 4, 2012

FOE

Matagal-tagal na rin mula noong mga huling post ko sa kahit na anuman sa mga blogs ko. Ngayon lang ako mapapapost dahil hindi dahil sa gusto ko lang o ngayon ko lang naisipan kundi dahil sa pagtuligsa sa maaaring pagkitil ng ating karapatang maipahayag ng malaya ang ating mga saloobin o mga kuru-kuro. Ang bawat isa sa atin ay malayang maipahayag ang kung ano ang gusto nating sabihin makakabuti man o makakasama sa iba. Hindi lahat ng pwedeng sabihin ay magaganda dahil karamihan naman ng nakikita mo sa iyong kapaligiran ay puro hindi maganda. So, ngayong may naipasang batas na maari ng kasuhan ang mga nagpupublish online ng mga hindi nagustuhan ng isang tao ay maaari na nitong ipakulong ang taong iyon ng 6 o hanggang 12 na taon. Mabuti pa iyong magnakaw ka o kung ano pa mang krimen at least hindi ganoon ang parusa.

Sa mundong ating ginagalawan ngayon, hindi natin mapipigilan ang pag-usbong at lalong paglakas ng social media. Ito ang ating paraan ng pagsang-ayon o pagtuligsa sa anumang issue ng ating lipunan. Dito rin naglalabas ng sama ng loob ang karamihan na maaaring sabihin ng ilan na papansin at kaduwagan ngunit ang masasabi ko lang ay wala rin silang karapatang manghusga ng mga naglalabas ng saloobin sa mga social networking sites dahil hindi nila alam kung ano nga ba talaga ang rason kung bakit. Maaring nakakagaan ng loob ng isang indibidwal ang magpost ng kung ano man ang nararamdaman niya. Kaya kung magpapatuloy ang ilang probisyon ng nasabing batas, marahil ay maaabuso ito.  Sa ngayon, sasabihin nilang hindi pero pano kung hindi na sila ang nakaupo? Paano kung may pansariling interes ang uupo at upang maprotektahan ang sarili ay gagamitin ang batas para panakot? Maraming pwedeng mangyare at walang makakapagsabi kung saan nga tayo patutungo dahil sa batas na ito.

Sa ngayon ang mga social networking sites ang ginagawang tambayan ng tao na kung saan malayang nakakapagpahayag ng saloobin. Paano nalang kung pati ito ay mawala? Buhay nga naman. Ambilis nilang magpasa ng batas tapos ngayon amyenda ang solusyon? Sayang naman ang pera at oras ng dahil dito diba. Imbes na pinagtutuunan ng pansin ang pag-unlad ng bansa ay eto po tayo sa isyu ng pagkitil sa ating karapatan sa malayang pamamahayag at pagbabahagi ng ating opinyon. Sana naman matuldukan na ito at bigyan muli ng kalayaan ang bawat Pinoy. Mabuhay Pilipinas!